Humarap sa piling entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sina Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV), Marivin Arayata (VP for Entertainment TV), Darling de Jesus (AVP for musical/specials), Janine Piad-Nacar (AVP for Talk), at Redgie Magno (newly promoted AVP for Drama).
AMAYA. Una sa listahan ng Kapuso network sa "Heavyweights of May" ang epicserye na Amaya.
Ito ang tinatayang pinakamalaki, pinakamagarbo, at pinakamagastos na produksiyon sa kasaysayan ng GMA-7.
Tampok dito ang tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.
Gagampanan niya rito ang mapanghamong papel ng isang babae na biniyayaan ng kapangyarihan, na gagamitan niya upang gabayan ang kanyang mga tao sa panahong pinamumunuan ito ng mga kalalakihan.
Ilan sa mga kasama ni Marian dito sina Glaiza de Castro, Sid Lucero, Mikael Daez, at Rochelle Pangilinan.
Nakatakda itong magsimula sa May 30.
MUNTING HEREDERA. Ang family drama na Munting Heredera ang kauna-unahang proyekto ng movie queen na si Gloria Romero sa bakuran ng Kapuso network.
Tampok din dito sina Roderick Paulate, Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, at Katrina Halili.
Kasama pa ang tatlong baguhang child stars na sina Mona Louise Rey, Kyle Daniel Ocampo, at Barbara Miguel.
Magsisimula itong mapanood sa May 9.
BLUSANG ITIM AND SISID. Dalawang young actress naman ang nakatakdang ilunsad ng GMA-7 sa Dramarama Sa Hapon ngayong Mayo—sina Kylie Padilla at Jackie Rice.
Si Kylie, na anak ng action star na si Robin Padilla, ang gaganap sa TV remake ng '80 movie na Blusang Itim, na unang ginampanan ni Snooky Serna.
Ang Blusang Itim din ang maglulunsad sa acting careers nina Frank Magalona (anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at Pia Magalona) at Winwyn Marquez (anak nina Alma Moreno at Joey Marquez).
Kasama rin sa cast sina Gary Estrada, Rita Avila, Jackielou Blanco, Marissa Delgado, at Carl Guevara, sa role ng isa pang leading man.
Nakatakda itong magsimula sa May 16.
Ang StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie naman ang pangunahing bituin sa Sisid.
Ang orihinal na istoryang ito ay tungkol sa pearl divers, pagkagahaman, at inosenteng pag-ibig.
Leading men ni Jackie rito sina JC Tiuseco, Ian Batherson, at Dominic Roco.
From: http://www.pep.ph/news/29258/Marian-Riveras-Amaya-leads-May-offering-of-Kapuso-network
No comments:
Post a Comment