Monday, January 2, 2012

Marian Rivera ON yes! by Heaven 02


ABOUT SHOWBIZ ni Nitz Miralles

Si Marian Rivera ang napili ng YES! magazine na pinakamagandan g artista at nangunguna sa 100 Most Beautiful Stars for 2009. Sabi ni Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief ng magazine, sana’y walang mag-object sa kanilang choices, pero may mga nagtanong pa rin kung bakit wala sa listahan ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez na sinagot nito ng “mga intrigera kayo.”

Para wala ngang magreklamo, walang ranking at may kanya-kanyang categories ang bumubuo ng listahan. Para malaman kung kasama ang favorite ninyo sa list, bumili ng bagong issue nila na labas na ngayon.

Honored at flattered si Marian na mapiling “most beautiful” at maging cover ng special issue. Malaking karangalan daw sa bawat artista na mabigyan ng ganitong karangalan na hindi lang physical beauty ang basehan, may nadinig pa kaming attitude.

Para kay Marian, si Dawn Zulueta ang pinakamagandan g celebrity at gandang-ganda siya nang makita nito ang billboard nang iniendorsong produkto.

Samantala, itinanggi ni Marian na “Hon” ang terms of endearment nila ni Dingdong Dantes na narinig ng marami noong anniversary special ng GMA 7. Hindi rin daw sila nakipag-kompitensya sa sweetness ng ibang couple that night. Sa tanong kung totoong humahalik muna sila sa isa’t isa bilang paalam ’pag aalis ang isa sa tabi ng bawat isa, “Sa amin na lang yun. Ibalato n’yo na lang sa amin yun,” ang sagot.

......................................................................................


From Journal Online....Nitz Miralles article

Understandable kung bakit wala sa istahan ng 100 Beautiful Stars ng Yes! magazine ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez at si JC de Vera, dahil nga may kaso ang editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon kay Richard at kay Annabelle Rama.

“Mga intrigera kayo” lang ang sagot ni Jo-Ann sa tanong ng press kung bakit wala sa list ang tatlong nabanggit.

Cover ng magazine at napiling pinakamagandan g artista this year si Marian Rivera, na honored sa pagkakapili sa kanya at malaking karangalan ang binigay ng mag.

Walang ranking at according to categories ang pagpili ng 100 Most Beautiful Stars para maiwasan ang reklamo at intriga.

Nasa newsstand na ang magasin at mabibili na.

Kasama rin sa listahan si Karylle at sa tanong kung babatiin niya ang ex ni Dingdong Dantes ’pag nagkasalubong sila, ang sagot ni Marian: “Hindi ko alam, ayaw kong pangunahan ang sitwasyon na ’di pa nangyayari.”

Samantala, sa Thursday na magpi-fitting si Marian ng costume niya para sa Darna at July na raw ang start ng taping.

Tama ba ang dinig namin na Singaporean designer ang gagawa ng costume ni Marian?

Habang wala pang taping, tuluy-tuloy ang training niya at wish nitong may makalaban din siyang lalaki sa show para mas exciting.

From: http://heaven02.multiply.com/reviews/item/251?&show_interstitial=1&u=%2Freviews%2Fitem

No comments:

Post a Comment